Search This Blog

Sunday, September 4, 2016

Siguridad sa mga Airport pinaigting

Dahil sa pagsabog na ikinasawi ng labing apat na katao at pitomputisang sugatan sa night market Davao City, nagdeklara na rin ang kapulisan ng matinding siguridad sa ating mga paliparan sa buong bansa. Pinaigting ng MIAA o Manila International Aviation Authority at CAAP or Civil Aviation Authority of the Philippines ang siguridad sa Ninoy Aquino International Airport or NAIA. Nanawagan din sa publiko si MIAA Gen. Manager Ed Monreal na maging mapagmasid sa paligid at kung makakita ng taong kahina-hinala ang kilos o galaw ay huwag magatubiling isumbong o ipaalam sa mga airport security upang maiwasan ang posibleng mangyari na di natin inaasahan.

No comments:

Post a Comment