Search This Blog

Monday, September 5, 2016

7000 Sundalo nasa Sulu na bilang pwersa ng gobyerno laban sa Abu Sayyaf group

DAVAO, Philippines-Nasa pitong libong sundalo ngayon ang nasa Sulu upang tuluyan ng tuldukan ang kasamaan ng bandidong Abusayaf.

Nasa humigit kumulang limang daang meyembro ng grupong bandido ang nagkukubli sa kagubatan ng Sulu  na makikipagbakbakan sa pitong libong sundalo ng ating gobyerno. Tinitiyak ng ating sandatahang lakas na magwawagi tayo laban sa kasamaan at muling maibabalik ang katiwasayan ng bansa particularly sa buong Mindanao.

Ayon kay Chief Ricardo Visaya " medyo mahihirapan tayong pasukin ang mismong mga kuta ng bandidong grupo dahil there are some people living in that area ay nakikinabang din sa mga Abu Sayyaf dahil binibigyan nila ito ng pera na galing sa mga ransom money pero magkagayunman ay patuloy ang aming pakikipagbakbakan sa kanila hanggat maubos na at matuldukan na ang matagal na nilang paghahasik ng kaguluhan dito sa Mindanao na ang pangunahin naman laging biktima ay mga inosenteng mamamayan.

Posted by: ThePhTimes

No comments:

Post a Comment