Search This Blog

Sunday, September 4, 2016

Ex-Staff ni De Lima itinanggi ang P24M deposits, bank account

MANILA, Philippines — "Laking gulat ko na ang inihain sa harapan ko ay BDO bank receipt amounting P24 million for the month of March and April 2014, kalakip ng mga pictures namin ni Senator De Lima.”
Ito ang pahayag ng ngayo’y kontorbersyal na dating tauhan ni Sen. Leila de Lima matapos lumabas ang balitang may P24 milyon na deposito sa kaniyang bank account noong 2014.
Sinabi ni Edna "Bogs" Obuyes na ikinagulat niya ang pagpapatawag sa kaniya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung saan dinala siya sa opisina ng kalihim.

Itinanggi ni Obuyes na sa kaniya ang account lalo na’t ang “Bogs” na nakapangalan ay isang palayaw.
"Yung time na 'yan (2014) nasa CHR pa po ko. At ang pangalan ko do'n ay 'Bogs C. Obuyes,' na imposible ko namang gamitin 'yun dahil nickname ko lang po 'yun," sabi ni Obuyes sa kaniyang Facebook account.
Sinabi ng DOJ na si Obuyes ang isa sa kanilang mga testigo laban kay De Lima na isinasangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga.Pinabulaanan din ni Obuyes na nagbigay siya ng pahayag laban kay De Lima.

"Ang laman ng statement ko po ay puro pagtatanggi na walang katotohanan ang lahat. Pero bakit ang lumalabas ay against Sen. De Lima na ang statement ko," dagdag niya.
Samatala, ipinagtataka rin naman ni Aguirre kung sino ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa bank deposits.
"Bineberipika pa namin 'yan dahil ayaw naming makuryente," pahayag ni Aguirre sa DZMM.

ThePhTimes

No comments:

Post a Comment